Welcome, et cetera!

Mahilig ako magsulat.

Siguro naman! Hindi naman siguro ako gagawa ng ganito kung hindi diba? Pero sa totoo lang, masaya na ko sa mga blogs ko sa Friendster at Multiply.

Pero itong hinayupak na si Kellie, pinasakit ang tyan ko kakatawa habang binabasa ko ang mga entries nya. Nainspire tuloy ako. Akalain mo Kellie? May kakaibang impact ka din pala sa buhay ko!

Pakshet! Nagevolve na ang dear friend namen na mula sa pagiging kamagong eh cross breed na daw ng Poong Nazareno. Iglesia ako kaya hindi ko talaga alam kung anong hitsura ng poon na yon. Pero malakas ang kutob ko na tulad ng kamagong, maitim din yon…

Kung iniisip nyong wala kaming kwentang kaibigan, mali kayo dyan. Dahil khit harap harapan eh sinasabi namin yon sa knya! Sa palagay ko, sa tagal ng pinagsamahan namin bilang magkaibigan eh tanggap naย nyang talagang hindi sya biniyayaan ng kaputian. Sa kanya nalaos ang Likas Papaya!

Pero kahit ganon, mahal ko si Panget! (Hindi ko siya nilalait, panget talaga ang tawagan namin). Ayokong inaapi sya ng iba… kami lang ang may karapatan! Dahil khit inaapi ko sya paminsan minsan, ipagtatanggol ko nman yon ng patayan! Oo patayan! Kaya yang mga dahilan ng kung ano anong usapan tungkol sa knya eh tumabi tabi na. Kung mabasa mo ang blog na to at maisip mong pinagbabantaan kita, KOREK KA DYAN!

Now back to my original premise– ANG PAGSUSULAT, BOW!

Excited ako sa site ito. May mga iba pa kong live journals pero may mga porn stars din yatang nagsusulat sa site na yon kaya tinigilan ko na. Tinutukso pa nman ako dating Keanna Reeves! Mamaya isipin nila ako si Pokita Bumbleebee.

Sino yon? Wag na nating pagusapan dahil baka manganib pa ang trabaho ko! Matakaw pa naman sa gatas ang bulinggit ko.

Pero bilib ako sayo, Racquel Macaraeg! Akalain mong nagawa mong isaalang alang ang ilang taon mong career sa APAC sa ngalan ng pagsusulat! Parang yung email lang ni Mina na di sinasadyang naipadala mo kay Vera. Sabagay, pareho naman silang Lopez.

Pero chong, nagpray akong sana nga matawa na lang sya kapag nabasa nya ang choice of stress relief nyo. Malamang ganon nga ang nangyari, dahil in fairness wala ka pang Notice to Explain hanggang ngayon.

I’m sure kinabahan ka dahil pag nagkataon, pati pamilya ni Mina papakainin mo! Nagbabayad pa nman yon ng bago nyang Mazda3.

Alam mo, may kamalasang dulot ang mga Mazda3 sa palagay ko. Kung baket, hindi ko na sasabihin. Pwede siguro kung may magtanong sa akin ng personal. ๐Ÿ™‚

Sa ngayon, tatapusin ko muna ito at kailangan ko na bumalik sa trabaho. Baka isipin naman ng iba eh binabayaran ako para pumetiks… eh ang gusto ko lang nman sabihin eh WELCOME SA INYO NA MAGBABASA NG MGA ENTRIES KO. Yun lang nman talaga dapat pag unang entry diba? Kaya nga ang default eh HELLO WORLD!

Napasundot lang ako sa mga walang kagatol gatol na hirit ni Kellie.

Sa susunod, iimbestigahan natin kung sino si WM!

~ by youvebeencharmed on January 16, 2009.

8 Responses to “Welcome, et cetera!”

  1. Hi, this is a comment.
    To delete a comment, just log in, and view the posts’ comments, there you will have the option to edit or delete them.

  2. Wow! Meron na akong bagong mababasa ๐Ÿ˜€

  3. Wahaha. Ngayon ko lang nabasa ng buo to ah. Oo nga naman. Sino nga ba si pokita bumblebee? Ang sira ulo, nagkalat pa sa APAC. Hindi naman kayang magpakita! But this is one funny blog. Keep updating! ๐Ÿ™‚

  4. Ako ay natutuwa at ikaw ay na-inspire.

    Nilagay kita sa aking blogroll.. ilagay mo rin ako.

    Nasan na ang blog ni Celso?

    Ilalagay ko rin.

  5. Hey San, thanks for reading.

    Haha! ay cia, mahirapan pagusapan ang mga bagay na to… sa ofc na lang! hahaha! joke!

  6. Kellie… wla pa ko nagagawa para sa 29 chervah ni Celso. Post ko pag meron na. ๐Ÿ™‚

  7. isusulat ko na lang sa blog ko.. grabe mang-pressure yung nogs na yun!

  8. Alay ko kay Celso. Kaibigan, Kaulayaw at Kabiruan.

    ayan tapos na! tsong sana magkaibigan pa rin kami pag nabasa nya to. I’m scared.

Leave a comment