Para sa aking Happy Meal!

So pressure ito?! Dahil tapos na si Kellie sa 29 chervah na to, kailangan na maiba naman ang mga sasabihin ko? Bakit ba hindi ako humingi ng ganito sayo nung birthday ko para marealize mo kung gaano kahirap itong ekek mo! Ni one liner na comment sa Friendster eh hindi mo ko ginawaan, tpos ikaw?!!! eh tatlong araw lang naman ang pagitan ng kapanganakan natin??? O ayan, parang COB lang ito, not taking into consideration the year.

O cia, mahaba habang listahan ito kaya sisimulan ko na.

DISCLAIMER: Kung maubusan ako ng mga panghalip, pakopya na lang Kellie! 🙂

29 THINGS YOU OUGHT TO KNOW ABOUT CELSO

IN NO PARTICULAR ORDER (Naks!)

p10103823

1. Trust worthy.
I have to agree with Kellie. Pero para medyo maiba sa item number 11 nya, english na lang! Kasi ito ang pinakamagandang trait ni Panget. Pilipitin mo na ang kung ano mang pwede mong pilipitin, hinding hindi nya ilalabas ang sikreto mo. Nabanggit nya noon sa akin na sana wala na lang magtiwala sa knya ng sikretong malupit na walang clue dahil mabigat daw dalhin sa dibdib kapag hindi mo din naman mailabas sa iba. But until now, hindi pa din cia nagbabago. Kaya ayun, dahil sa mga DDS na naishare sa kanya, makailang ulit ciang sumailalim sa 2-D echo.

2. Vain.
Hindi man obvious pero gumagamit cia ng Olay Total Efects.Meron din ciang kung ano ano pang products na ginagamit, at naalala ko na minsan din nyang hinangad gumamit ng Toner at cream na ginamit ko noon…natakot lang yata cia na magbalat ang mukha nya.

3. Kuripot.
Hindi cia Ilokano, pero ni minsan hindi pa ako nakatanggap ng regalo mula sa kanya.. birthday, kasal, pasko, bagong taon. Kahit nung nanganak ako, wala! Noon, inilibre ko cia sa Pancake House at sa Pizza Hut, at ginantihan nya ang kabutihang ito sa pamamagitan ng panlilibre sa akin sa McDo!

4. Mahiwaga.
Kung minsan pakiramdam ko isa ciang stranger. Malihim cia pagdating sa knyang personal na buhay kahit na ultimo size ng bra at panty ko eh sinasabi ko na sa knya.

5. Morbid.
Madalas nyang sinasabi na pakiramdam nya eh maaga ciang mamamatay. Na hindi cia aabutin ng matagal sa mundong ito. Pakshet! Eh diba ang masamang damo hindi nga daw madaling mamatay?

6. Medyo virgin.
Ang sabi nya, may experience na daw cia… College daw cia non. Pero hindi ako naniniwala. Ayoko lang, bakit ba?

7. Komedyante.
Walang hirit yan na hindi nakakatawa. Although most of the time, ang nakakatawa eh yung expression ng mukha nya habang dinedeliver ang lines nya.

8. Maangas.
Maglakad. Magsalita. Pati pagtaas ng kilay at pagkunot ng noo maangas din. Nakalimutan yata nyang di lang kaputian ang kakulangan nya, kundi maging sa tangkad. Okay lang sana kung kasing laki ng katawan ni Tim ang katawan mo, BUT NO!

9. Mahirap suyuin.
Narito ang tunay na pangyayari sa likod ng item number 2 ni kellie:

A FEW YEARS AGO (mga reps pa lang kami; one very ordinary day, halos patapos na ang shift)

Unang attempt nyang magapply bilang TL (o ATL ba yun– nung si Kristine Kalaw ang napromote?) o basta yun… hindi cia nakuha. Ako nag unang taong nasaktan para sa kanya. Pero makalipas ang ilang araw, subject of asaran na namin ang pangyayaring yon. Humirit cia ng something like eh ikaw nga blah blah blah (di ko na matandaan ang mismong sinabi nya).. kaya humirit din ako: “eh ikaw nga rep ka pa rin”.

At ayon na din kay Kellie, isang Linggo nya akong hindi pinansin. Hindi nya ako sinasabayan umuwi. Ibinigay ko na ang pinakamamahal kong kolesyon ng F4… hindi ako natulog chong, pero walang epek! Hindi cia natuwa ni katiting. Yun pala, ayaw nya ng F4… fan pala cia ng 5566. Kaya pala!

10. Galit sa Makulit.
Kung gusto mong maging number 1 enemy ni Celso, kulitin mo cia pag sinabi nyang ayaw nya. At ipupusta ko ang natitira ko pang pearl white, makakatikim ka ng isang malupit na: ANG KULIT MO CHARM! AYOKO NGA!

11. Mahilig sa extra curricular activities.
Sayaw. Kanta. Exchange gift. Lakwatsa. Inuman. Name it, game cia. Basta wag lang mataon na nasa mood ciang magpaimportante at pilitin-mo-ako-but-i-wont-give-in moment.

12. Walang kiber sa sasabihin ng iba.
Wala ciang pakialam kung ano man ang isipin ng tao sa kanya. Minsan nakakainis dahil lahat ng effort para ipagtanggol cia eh gagawin mo, pero cia, isang ngibit lang na parang asong bored ang kapalit ng pangaasar sa knya ni Geno, among many others.

13. Sweet.
Di man madalas pero may mga moments yan na napakasweet nya. Naalala ko pa nong bagong trainer pa lang ako, sa kasagsagan ng mga umaatikabong chismis tungkol sa akin, hinawakan nya ang kamay ko ng mahigpit. At sabi nya, “BASTA ANDITO LANG AKO”. Naks naman! Sa kanya ko lang naramdaman na pwede palang mag holding hands ang babae at lalake ng walang malisya.

O baka umasa kang magkakaron din ako ng malisya para sayo? Shet Celso! Grabe ka! ;p

14. Silent Killer.
Patalikod nyang tinitira ang mga katiratirang hirit ng kung sino sino. Ilang email na din ang ipinadala nya sa akin sa intensyong pagtawanan at kutyain ang subject of stress relief ni Mina.. pero ni minsan eh di nya hiniritan si Block Socks na ikakapahiya nito. Plastic in a way…but very humane.

15. Fan cia ni Rachel Ann Go.
Cia lang ang nagiisang lalakeng kilala ko na naapektuhan sa nose job ng singer na to.

16. Pangarap nyang makapasok sa bahay ni Kuya.
Ilang beses na nyang naging plano na magaudition, hanggang sa wakas ay makatagpo nya ng landas si Joyfe. Magleave ba para sa audition? Kamusta ka naman! Tanggapin mo na, panget. Mas interesting si Budoy kaysa sayo.

17. Proud ciang lampas 4 years cia sa College (HINDI MEDICINE O ENGINEERING ANG COURSE NYA! TALAGANG 4 YEARS LANG  ITO).
Maguilty ka naman sa pera ng bayan ng sinayang mo. Para kang pulitikong pulpol! Iskolar ng bayan pala ha! Boo!

18. Hindi cia totoong taga LP.
Umuupa lang cia ng bahay dito. Pero isa ciang dakilang promdi. EBIDENSYA? Ang tawag nya sa kanyang biological mother ay INAY! Case closed.

19. Good Listener.
Hindi cia katulad ng iba na nangaagaw ng spotlight pag may problema ka. Makikinig lang cia sayo at never ciang hihirit ng KAYA MO YAN, AKO NGA….. Takte! Alam nya kung kelan irerespeto ang moment mo. At alam din nya kung kelan ka babatukan parang sabihing ang OA mo!

20. Cowboy.
Hindi cia maarte. Hindi cia pacoño. Parang hindi nman kse bagay db? Maitim na coño? Nyak.

21. Mahilig cia magpicture picture.
Ika nga ni Kellie, camwhore. At I’m sorry, weird ang mga poses nya, lalo na kapag nakahubad cia na kaunti na lang eh mapapansin mo na ang kanyang manboobs.

22. Nainlove cia noon kay Bey.
Naalala mo ba ang lasingan blues mo noon sa bahay ni Bam?! Potah ka!

23. Kiti kiti.
Minsan kung kumilos cia eh parang bulateng nangangati. Pasayaw sayaw. Patalon talon.

24. Open minded.
Hindi nya huhusgahan ang pagkatao mo, khit ano ka pa…maging ano man ang nakaraan mo. Pero talo talo na pagdating sa hitsura at fashion sense mo. Hindi din makakaligtas sa kanya ang mga grammar lapses mo, lalo na kung over confident ka at nakaoff ang autocorrect mo sa Outlook.

25. Half smiled.
Alam mong kinikilig cia o natutuwa ng husto kapag sumasabay na tipid na ngiti nya ang kanyang mga matang nangingitim sa eye bags.

26. Mahilig sa petite.
Karamihan ng naging “apple of the eye” nya ay maaring mapagkamalang anak ng pandak.

27. May sense kausap.
Kapag seryosohang usapan, kaya din nyang sumabay. Makailang ulit na nyang pinatunayan na hindi lang cia magaling sa pagiging Boyoyong. He knows how to knock some sense into you. Yung tipong maiisip mo ba na, shet, oo nga no!

28. Badtrip cia sa mga PG at epal.
No comment.

29. Cia ang aking Happy meal.
Ang effect nya sakin eh parang effect ng happy meal sa isang paslit. That says it all. He makes me happy.

Yan… akala mo pagdadaanan ko ang nakakangawit na pagttype na to ng hindi kita dudurugin ha? Di mo na birthday oy! Pero ganon man, alam mong love kita kahit maitim ka… kahit tinatawag ka nilang pusit o kamagong,o brownie. You know deep in my heart, aawayin ko ang sinomang umapi sayo.O SINOMANG MANAKIT SAYO! Ganyan kita kalove… at dumating man ang panahon na 99 chervahs about you na ang kelangan kong gawin, laitin ko man hanggang pinakahuling hibla ng tonsil mo, ganito pa din ang magiging ending ko. Kasi ikaw lang ang nagiisang happy meal ko. FOR LIFE.

Belated Happy Birthday Panget! Haluvyah!

~ by youvebeencharmed on January 30, 2009.

2 Responses to “Para sa aking Happy Meal!”

  1. hahahaha.. potah magpagawa nga tayo ng ganito kay Celso sa 40th bday naten para makaganti man lang..

    ngayon ko lang na realize… aba eh.. mahal pala talaga naten tong mokong na to kahit anak-kamagong sya!

  2. haha…ciempre no, endangered na ang lahi nyan,dapat ingatan! 🙂

Leave a comment