Heart to Heart Talk with THE BUBUYOG
As usual, nagkaissue na naman kame ni Bubuyog.
Kase naman, nakakainis kapag hindi magawang ihiwalay ng mga tao ang personal sa trabaho eh. Lalo na kung usapang jengjeng lang naman. I must admit, madali akong mapikon kapag mga ganitong bagay. Impulsive din ako. I deal with issues kahit mainit pa sa bagong kulong tubig ang ulo ko. Lalo na pag pakiramdam ko na ang mga taong nasa posisyon ay hindi na dapat pang paalalahanan ukol sa mga bagay na ito.
Pero iba kase sa Horizon. Bukod sa mga walang patumanggang issues, anonymous texters, nakakaeskandalong WAV files, mga nangungutang na bigla na lang nagdidisappear, at mga kwestyonableng promotions, minsan pakiramdam ko, kailangan pa ng isang drum na maturity ang mga DA WHO . Basta, ayoko na magdetalye. Ang nangyari ay nangyari na!
In a gist, after the long weekend had passed, pinatawag ako para sa isang umaatikabong usapan.
Yes, umaatikabo! Dalawang oras ba naman eh.Halos dumugo na ang tenga ko mga friends! Pero ayos lang, worth it din naman ang ending. Nasabi ko lahat ng gusto kong sabihin.
Narito ang ilang quotable quotes mula sa nasabing usapan na siguradong ikakatumbling mo:
1. BUBUYOG: I’M SORRY.
Parang si Ate Glo lang after that scandal that shocked the entire nation and rocked her government. Pagpasok ko pa lang ng pinto, yan agad ang bungad niya. And believe me, having known the Bubuyog for almost 5 years, wala sa personality nya ang magsorry kaagad! This is indeed a miracle! O end of the world na ba?
2. CHARM: Anong mararamdaman mo kung may dumerecho sa GM or sa VP? Di mo ba maiisip na nabypass ka?
Take note, nagawa ko sabihin yan minus the poot. Di ko lang sure kung successful ako.
3. BUBUYOG: What did you mean by lay all the cards?
CHARM: I’m not going there. I was just upset when I sent that message.
Hello! Para naman kase akong nananakot diba? That was not my intention, promise! Baka mamaya, sampalin nya ako ng payslip, mahimatay pa ko no!
4. I JUST FELT THAT IT WASN’T RIGHT!
Ayan, sige! Isang malupit na lecture on morality tuloy ang napala mo. Hindi naman ako santa. I had my own share of kabulastugan. Pero iba naman kase ito. Tipong kapag nabalitaan mo ang nangyayari eh wala ka na magagawa kundi mapabuntong hininga!
5. I JUST NEED A BOSS I CAN LOOK UP TO.
Period.
In the end, okay naman ang kinalabasan ng usapang ito. Nagwakas kame sa mga I HOPE I HOPE churvah.
Of course, umaasa akong magiging maayos ang lahat. Kahit naman paano, despite the many things I hate about our ever cost cutting company, gusto ko pa din magstay. Mahirap din lumipat kung ang halos 70% ng mga close, not so close at feeling close friends mo eh nandito din.
Ang hirap magsimula ulit. Nakakalurky ang mga interviews na pare parehong WHY DO WANT TO TRANSFER lang naman ang tinatanong.
We’ll see. I’m sure may plano naman ang Dios para sa akin.
Magtinda na lang kaya ako ng tig-500 na pearl whith?
O kaya makisosyo na lang ako kay Alvic na nagbebenta from Avon to Fern Cee.
Or baka pwedeng ibugaw ko na lang si Celso! Kikita kaya ako don?

Nag forward ka na naman ba ng bastos na email kaya me ganito???
ano naman ang nilalaman ng email na ito???? Pukikay na naman???!!!
hindi gurl! kakaiba ito! malibel pa ko, tigilan na! hahaha